Napamulagat si Natasha sa nakita. Nandito na nga ang bisita!
Papalapit sa pwesto niya. Maingay na ang mga kalapit-bahay, mga lasing
na kasi ang ilan at sinipulan ng mga ito ang dumaang dalaga. "Naku, ano
pa kaya kung ako, baka bastusin ako lalo at ganito lang ang suot ko",
aniya,
Baluuutttt!!!
Tapos na yatang bentahan ng magbabalot ang mga ito kung kaya't tumayo
na para magpatuloy ang lalaki. Sa sapantaha ni Natasha ay nasa eda 45
hanggang 55 ito, pero pwede ding nasa late thirties to early forties
kung ikukunsidera na napapatanda ng kahirapan ang tao.
V I S I T O R
Papalapit pa lalo ang bisita. Mukhang isa lamang ang ipapadala ni
MyMaster. Bakit parang nanghinayang siya? Sabi kasi doo nsa text ay "mga
bisita". Hindi ba ibig sabihin nun ay higit sa isa ang darating? Bakita
parang isa lang? Pero hindi ba ibig sabihin nun ay lesser violation?
Ha, ewan na lang kung bakit naglalaban ang isipan niya kung matutuwa o
malulungkot na isa lamang ang bisita. Dapat pa nga siyang magalit dahil
hindi naman niya ninais magdaos ng Pasko sa piling ng taong hindi niya
kilala, bakit tila nagagalit siya dahil isa lang ang ipinadala?
Sa kabilang bahagi naman ay naroroon pa ang mga batang galing kanina
sa kanya, nagpapatuloy ng pangangaroling. Sa kanto naman ay makikita ang
isang lalaking tila kararating lang mula sa biyahe, may dala itong
malaking bag.
Baluuuuttt!!
Tinawag ng lalaki ang magbabalot at kumuha ng ilan, tila magpapalakas
ng tuhod. Pilya na talaga ang isipan ni Natasha sa mga sandaling ito
dahil kanina pa kinakain ng excitement ang katinuan niya.
Baluuuuttt!!
Patuloy na ang magbabalot sa palahaw ng ibinebenta ilang bahay na rin
ang nalampasan nito mula sa umpukan kanina. Ang lalaki naman bumili
dito ng balot ay nakadungaw sa isang tindahan, kumuha ng alak.
V I S I T O R
May isang taksi na huminto sa tapat ng pintuan niya at napatingin
siya sa bumabang mama. matangkad ito, tila atleta. Nagpalinga-linga ito
at napatingin sa bukas na pintuan sa dako ni Natasha. Naglakad ito
patungo doon.
Samantala, isa sa mga nasa umpukan ang tumayo at naglakad patungo sa dulo, sa bahagi ni Natasha.
V I S I T O R
Malinaw ang nakikita ni Natasha, nandito ang bisita niya. Kinawayan
ni Natasha ang kanyang bisita. Pinong ngiti ang ibinigay niya dito at
tila naumid ang dila ng lalaki at hindi makapagsalita. Tiningnan nito
mula ulo hanggang paa ang dalagang kumaway sa kaniya at napalunok pa
siya ng ilang ulit, lalo pa nang tinanggal ng dalaga ang jacket nito at
palapit sa kaniya. Banaag niya ang katawan nito dahil tumatagos ang
ilaw, na mula sa loob ng bahay, sa kanyang suot na daster. At ang
daster, napakaiksi! Siguro kapag nakaupo ang babae ay halos hindi na
matakpan, o baka naman kita na, ang dapat itago!
"Halika sa loob", nkangiti pa rin ang namumulang dalaga at inakay sa
braso ang bisita niya. "May nakahanda akong luto na magugustuhan mo",
sinadya niya niyang i-double-meaning ang pangungusap niya, para bang
nanlalambing.
Siguradong mababanatan si Natasha ngayong Pasko! Lalo pang tumaas ang pananabik niya sa magaganap!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento