Minsan nga naman, ang buhay ay sadyang mapanukso, binibigay sa iyo ang
kabaligtaran ng iyong gusto. Nakasakay ako ng dyip papasok sa trabaho,
panay ang tingin sa aking relo sapagkat atrasado na ako, napakatrapik pa
naman, singitan pa ng singitan ang mga dyip at mga bus, kaya't lalong
nagkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko. At sa kasamaang palad ay nabangga
pa ito sa isang taxi. Dumating ako sa tindahan alas-9 na, kaya naman
nasabon pa ako kay boss, meron kasing delivery at kanina pa naghihintay
ang closed van ng tindahan. Maghapon kaming nag-deliver, kung saan-saan
kami napadpad ng driver, at nakabalik kami sa tindahan ay hapon na,
malapit nang magsara ang store. Dali-dali akong nag ayos ng paninda, at
pagkatapos magsara ay nagtungo na ako sa review center. Parang kay tagal
bago natapos ang tatlong oras na klase ko duon, at paglabas ay gutom na
gutom na ako, nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan, ngunit tatlong
araw pa bago sweldo, kaya wala akong magawa kundi magtiis na lamang at
kumain sa bahay. Nagyosi na lamang ako at kinain ang nakapang kendi sa
aking bulsa, ngunit ramdam ko ang pagkalam ng aking sikmura. Naglakad
ako papunta sa sakayan ng dyip, hawak ang aking cel habang nagte-text
ako kay Irene. Shit talaga! Check operator service pa, ala na kong load.
Nakarating ako sa sakayan ng dyip, gutom, pagod, at higit sa lahat,
buwisit na buwisit. Nakarating naman ako sa Cubao ng walang insidente,
ngunit lalo lang akong bad trip nang makitang napakaraming pasahero
naghihintay din ng dyip. "Balyahan na naman 'to", isip ko lang sa aking
sarili. Dumating ang isang dyip, at halos hindi pa ito nakatigil ay
nag-unahan na silang makasakay. Hindi pa nakasakay ng husto ang isang
dalaga ay bigla namang umarangkada na ito, nahulog ang dalaga, tumama
ang kanyang likod sa may istribo ng dyip bago ito tuluyang nahulog at
gumulong sa kalsada. Ngunit wala ni isa sa mga tao duon ang lumapit para
tulungan siya, bagama’t halatang nasaktan ito. “Tarantado ‘tong mga
ito”, isip ko sa sarili ko, at kaya kahit gutom na gutom na ako, ay
lumapit sa kanya at tinulungang tumayo, ngunit sa sakit siguro ng
katawan ay hindi makatayo ng diretso. Inakay ko muna sa waiting shed at
duon ay pinaupo ko muna upang makapagpahinga nang konti. "Miss, okey ka
lang ba? Hindi ka ba nabalian o napilayan, baka kailangan mong madala sa
ospital," tanong ko agad sa kanya. Umiling lang siya, at sabay sagot
ng, "Masakit ang likod ko, pero hindi naman siguro ako kailangang dalhin
sa ospital." Aninag sa kanyang mukha ang sakit, at nang magtangkang
tumayo ay napaupo uli, tila hindi maidiretso ang katawan sa sakit.
"Miss, wag ka sanang matakot, pero sa tingin ko mahihirapan kang umuwi
ng ganyan. San ka ba uuwi? Kung okey lang sa iyo samahan na kita, baka
mapano ka pa, eh, mahirap na. Kung gusto mo naman, tawag na lang kita ng
taxi, magtaxi ka na lang pauwi, namumutla ka na." Hindi muna umimik ang
dalaga, malamang ay nagiisip kung mapagkakatiwalaan ako, pero bandang
huli ay hindi na rin siguro natiis ang sakit, tumango at pumayag na
pahatid na lamang sa akin. Medyo may kalayuan din ang inuuwian niya,
lampas pa sa dapat babaan ko, ngunit dahil inaalala ko na baka mapano pa
siya, ay tuloy ko siyang hinatid sa kanila. Halos hindi kami nag-usap
sa dyip, maliban na lamang nang sagutin ako kung saan kami dapat bumaba.
May kalayuan pa ang bahay nila sa kantong binabaan namin, at tila hindi
na niya makayang lumakad pa, kumapit sa aking braso, at malamang ay
bumagsak kundi siya nakahawak sa akin. Tinuro niya ang kanilang bahay,
at habang papalapit kami ay nakita kami ng mga binatilyong nakatambay sa
gate nila. Tumakbo palapit ang isang binatilyo, sabay tawag na "Mia!
Ano’ng nangyari sa ‘yo?" Medyo masama na agad ang tingin sa akin nito,
ngunit sinabi agad ni Mia, "Kuya, pasok na muna tayo, mamaya na lang..."
Inalalayan siya ng kapatid niya, kasama ang iba pang mga binatilyo, at
pinasok nila ito sa loob ng bahay. Aalis na sana ako, ngunit sumenyas
ang kuya niya na pumasok na muna ako sa loob. Malaki ang bahay nila,
two-storey, at may nakaparadang 2 sasakyan sa garahe. Inupo nila si Mia
sa sofa, at duon ay nagpakilala ako sa kanyang pamilya at sinalaysay ko
ang buong nangyari. "Buti na lang pala at may mga taong katulad mo na
handang tumulong, baka napano na ang anak ko, hindi pa namin alam," wika
ng mommy niya. "Tinanong ko nga po kung gusto niyang dalhin ko siya sa
ospital pero hindi na daw po. Yun nga lang, bugbog ang likod niya, mas
maganda pa rin po siguro kung macheck-up siya." Tumayo na ako at akmang
magpapaalam na sana, ngunit ayaw pa nila akong paalisin. "Dito ka na
muna, ikaw ba ay kumain na? Dito ka na kumain, at kahit papano naman eh
makabawi kami sa iyo" sabi ng Daddy niya. Tumatanggi sana ako, ngunit
nakakahiya na rin naman, isa pa, gutom na nga ako. Habang kumakain ako
ay kinilala nila ako, at sa kuwentuhan ay nalaman kong graduating na
pala si Mia ng MassCom sa UST. Lubos ang pasasalamat nila sa ginawa kong
pagtulong sa kanilang anak, at nang mapansin kong magaalas-dose na ay
nagpaalam na ako. Hinatid ako ng kuya niya sa bahay namin, at
nagpasalamat uli ito bago umalis. Ako'y nagpahinga na lamang, ni hindi
ko makuhang magbihis pa sa antok. Dumaan ang isang linggo, at nalimutan
ko na ang insidenteng ito, ngunit nabigla na lang ako nang isang araw ay
nagpunta si Mia sa tindahan. Nasa stockroom ako at nagaayos ng mga
bagong deliver na mga stocks nang sumilip si Stef at sabing, "May
naghahanap sa ‘yo, Mia daw. Bilib na talaga ako sa ‘yo, marunong kang
pumili." Nakasimangot siya, at bigla na lang tumalikod sa akin, halatang
inis. Lumabas ako sa stockroom, at medyo natigilan ako sa nakitang mga
naghihintay sa akin.
Tatlo silang magkakasama, isa na dito si
Mia. Ngayon ko lang napagmasdan si Mia, hindi ko sukat akalain na ganun
pala siyang kaganda. Medyo matangkad din, siguro 5'6", slim pero makorte
ang katawan, mga kurbada niya ay talo pa ang zigzag sa Baguio. Maputi
at makinis ang balat, katamtaman ang mga umbok sa dibdib, tipong kasya
lang sa kamay, mahaba at diretso ang buhok, parang mga nakikita sa mga
commercial ng shampoo. "Uy, ikaw pala, kumusta ka na? Ok ka na ba, hindi
na ba masakit ang katawan mo?" tanong ko sa kanya habang naglalakbay
ang aking paningin sa buong katawan nito. "Ok na ko, medyo masakit pa
rin yung likod ko. May pasa nga ako dun, eh, at medyo hindi ko pa
maitaas ng husto yung mga kamay ko." ngiti niyang sinabi. "Siyanga pala,
mga friends ko, si Jean tsaka si Meann." "Hi." sabay bati ng dalawa.
"You know, you look familiar, parang nakita na kita." sabi ni Meann.
"Parang ikaw si… pero hindi siguro" Nakangiti si Mia, "Me lakad ka ba
mamayang hapon? Invite ka lang sana namin mag-snack, kahit diyan na lang
siguro sa Wendy's." Naalala kong may usapan kami nina Rico, "Meron eh,
medyo magkikita kami ng mga dalawang friends ko. Sorry, pero thanks
anyway, siguro next time na lang." Nagkatinginan silang tatlo, at
nagsenyasan, "What if sama mo na rin yung mga friends mo? Tutal tatlo
kami, tatlo rin naman kayo, so okey lang. Yun eh, kung okey lang sa mga
friends mo?" Nagisip ako ng sandali, "Puwede siguro." Nagkita kami nina
Rico at George, at nang sabihin kong may nagyayaya sa Wendy's, sagot
agad ng dalawa, "O sige, pare, larga! Tangina, ganyan nga, wag mong
solohin. Ano pa’ng hinihintay natin? Tara na!” Nagtungo kami sa Wendy's,
at pagdating namin ay nandun na pala sila. Pinakilala ko sina Rico at
George, at habang nag-o-order kami ay umupo na sila. Pilit nilang
binabayaran sana ang mga order, pero tutol sina Rico. Nakapila kami sa
counter nang ibulong sa kin ni George, "Pare, usapang lalake, sa ‘yo na
si Mia, pero balato mo na lang sa amin yung dalawa."
Nagkasundo
kaming tatlo, at hinatid namin ang mga orders sa mesa. Naging at ease
naman agad sila, dahil mga kalog ang mga friends ko, at malaon-laon ay
parang matagal na kaming magkakakilala. Nag-excuse ako upang pumunta sa
CR, at iniwan ko ang cel ko sa mesa. Pagbalik ko ay tila natahimik sila,
at nang tanungin ko kung bakit ay, "Pare, tumawag kasi si Irene, hindi
daw siya makakauwi, extended yung shooting nila for 2 to 3 weeks. Tawag
na lang daw siya uli mamayang gabi." Nagtinginan sina Mia, sabay sabi ni
Meann, "Kaya pala you looked familiar, there was a time kasi, nagpunta
kami sa Megamall and we watched this movie, nakita namin si Irene dun.
Ikaw pala yung kasama niya, pero di ako sure kanina. Ikaw pala…" Medyo
napayuko si Mia, namumula ang tenga, pero hindi ko na lang pinansin,
baka mapahiya. Tuloy na lang kami ng pagkain, at tapos ay nagtuloy kami
sa Centerpoint, para manood ng sine. Sabay kaming umuwi ni Mia, hinatid
ko sa kanila, ngunit hindi na rin ako nagtagal. Sa mga susunod na linggo
ay madalas kaming magsama ni Mia, minsan kasama sina Meann, minsan
naman ay kaming dalawa lang. Alam kong may gusto sa akin si Mia, halata
sa bawat kilos at galaw niya, pero tila natitigilan akong diskartehan
ito. Inis na nga sa kin sina Rico, at sabi pa'y, "Putangina ka pare,
ba't di mo pa tuluyan yun? Ano pa’ng hinihintay mo? Pare, malinaw na
pekpek na yan, lumalapit na sa iyo, pakipot ka pa." Sa totoo lang ay
ayoko na sanang gumawa ng kalokohan, pero tila hindi ko nga rin kayang
pigilan ang sarili. Dalawang araw bago nakatakdang umuwi sa Irene,
nagyaya si Mia sa bahay nila upang dun na lang daw manood ng VCD.
Pumunta ako sa kanila, at laking gulat ko na lamang nang pagdating ko
duon ay sabing umalis daw ang mga kasama niya sa bahay. Suot lang niya
ay isang sandong may maninipis na tali, at isang maikling short.
Napakaganda ng kanyang mga hita't binti, makinis, at kahit na
balingkinitan ang katawan ay kaaya-aya ang hubog nito. Bakat ang mga
utong sa kanyang dibdib, lumalaban sa suot niyang bra. Nagpunta daw ang
mga kasama niya sa Antipolo, at gagabihin daw ng uwi. Bandang alas-dos
pa lamang, at malakas ang kutob kong may mangyayari sa amin ni Mia. Kung
talaga nga namang ukol... Naghanda siya ng merienda habang sinasalang
ko ang VCD, nagtabi kami sa sofa, yakap niya ang isa sa mga malaking
unan duon. Halos hindi kami umiimik habang nanonood, tila alam ng bawat
isa na may mangyayari, naghihintay lamang ang unang galaw, kung sino ang
maguumpisa. Hindi ako gumagalaw sa puwesto ko, panay ang pigil sa
makamundong pagnanasang nararamdaman. Tila ang bilis at lalim ng aming
mga hininga, nakakabingi ang lakas ng pintig ng aking puso. Maya-maya
lamang ay naramdaman kong niyakap niya ang aking braso, may kasamang
bahagyang pagmasahe nito. Hindi pa rin ako gumagalaw, at ilang sandali
ay pumatong ang kanyang ulo sa aking balikat, sabay ng isang
buntong-hininga. Tinigasan ako, at sa aking pagkakaupo ay wala sa
puwesto si manoy, sumabit ang ilang bulbol sa hiwa nito. Nalanghap ko
ang halimuyak ng kanyang buhok, kung kaya't lalo namang nagpupumilit na
dumungaw si manoy sa kanyang pinagtataguan.
Tiniis ko hanggang
sa makakaya ko , ngunit ang lahat ng bagay ay may hangganan, may
katapusan. Hindi ko na matiis, at kusang humawak ang aking kamay sa
kanya. Tumingala siya sa akin, walang imik, naghihintay, at sa pagpikit
ng mga mata ay sabay bumuka ang mga bibig. Pinagmasdan ko ng sandali, at
unti-unting bumaba ang aking ulo hanggang sa magdikit ang aming mga
labi, isang tagpong puno ng pangako. Natikman ko ang tamis ng kanyang
mga labi, at nang sumilip ng bahagya ang kanyang dila ay sinalubong ito
ng aking dila, umpisa ng pagkawala ng pagnanasang matagal nang
pinipigil. Tumaas ang isang kamay niya at yumakap sa aking batok, habang
ang kamay ko naman ay hinanap ang laylayan ng kanyang sando. Pumasok
ang aking kamay sa loob nito, gumapang paakyat sa mga suso, at hinimas
ko ang mga ito. Nagtungo sa likuran niya ang aking kamay, kinapa ang
bukasan ng bra, at sa ilang saglit lamang ay dumikit na ang aking palad
sa kanyang mala-mansanas na umbok sa dibdib. Naging mapusok ang kanyang
mga halik, na akin namang sinabayan, at napakagat na lamang siya sa
aking labi nang umpisahan ko ang bahagyang pagpisil sa kanyang suso at
pagkurot sa mga utong. Nagkalas ang aming mga labi, at bumaba ang aking
ulo sa kanyang leeg, dinampian ng mga bahagyang mga halik. Tinaas ko na
nang tuluyan ang kanyang sando, at tumambad sa aking paningin ang
kanyang mga namumulang mga utong, sinlaki lamang ng isang butil ng
pasas. Sinubo ko ang kanyang kaliwang suso, sabay himas sa likod niyang
tila bulak sa lambot. "Uuhhhmmm… Jun… Jjjuuunnnnn…" Halos maga na ang
kanyang suso, ngunit sa sarap ay di na niya ito pansin, bumaba ang aking
dila sa gitla sa ilalim, at sa paghigop ko sa gilid nito ay umangat
siya sa kanyang pagkakaupo. Sinabunutan niya ako, lalong dinidiin ang
aking ulo sa kanyang gilid katawan, sa bawat himod ng aking dila ay may
katumbas na paggiling ng kanyang balakang. Muling bumaba ang aking ulo,
at sabay sa pagbabang ito ang paglilis ko ng kanyang maikling shorts.
Dumapo ang aking dila sa kanyang singit, na lalo namang nagpalakas ng
kanyang mga ungol. Hingal-kabayo si Mia, at nang makapa ng aking daliri
ang kanyang mamasa-masang hiwa tila asong umaalulong na siya, napahiga
na nang husto sa sofa at sa paglapat ng kanyang katawan ay kusang bumuka
ang mga hita. Binuka ko ng husto ang kanyang hiyas, at sa unang hagod
pa lang ng aking dila sa kanyang kuntil ay napaliyad ang kanyang likod,
bahagyang kinilabutan, at tila isang taong nasa ilalim ng tubig na
malapit nang mawalan ng hangin. Sinisid ko ng maigi ang kanyang
naglalawang hiyas, tila sumisisid ng perlas sa dagat ng kanyang
kalibugan. Nakakailang labas-pasok pa lamang ang aking dila ay biglang
bumulwak ang kanyang katas sa aking mga labi, sa baba, umabot hanggang
sa aking leeg at sa kanyang mga hita. Dali-daling inalis ko ang aking
mga damit, at hinawakan si manoy upang itutok sa kanyang butas na
mistulang gripong naiwang nakabukas, tuloy-tuloy pa rin ang pagsibol ng
kanyang katas duon. Ginasgas ko muna si manoy sa kanyang mga hita upang
malagyan ng kanyang dagta, bago ko ipasok sa kanyang kasarapan. Ngunit
hindi ko akalain na ngayon lamang pala mapapasok ang kanyang
ingat-yaman, kung kaya't halos mabaluktot si manoy sa hirap ng entrada
dito. Siniil ko siya ng mga halik, mapupusok, maiiinit, upang medyo
lumambot at magrelaks ang kanyang kalamnan, at nang maramdaman kong
puwede na ay tuluyang ipinasok ang aking sandata. Napaliyad siya nang
husto, at napasigaw, at kung hindi lamang sa aking mga labing tila
naka-welding sa kanyang mga labi ay malamang marinig pati ng kapitbahay
ang sigaw nito. Dinahan-dahan ko muna ang pagkanyod, upang hindi siya
masyadong masaktan, ngunit hindi maiwasan ang masaktan siya. Kumanyod ng
kumanyod, hanggang sa natanggap na ang aking kabuuan, at ang unang
sigaw ng sakit ay unti-unting napalitan ng bahagyang pagungol. Sa wakas
ay malapit na akong labasan, at dahil hindi ako sigurado sa tiyempo, ay
binunot ko ito, upang ikalat ang dagta sa kanyang mga hita. Tila kapwa
kami nalagutan ng hininga, at dumagan ang aking katawan sa kanya,
parehong napagod sa nangyaring pagtatalik.
Medyo nabahala ako,
dahil sa first time pa lang niya ito, ay may halog dugo ang katas namin,
at ito ay bakat sa tela ng sofa. "Maghugas ka na lang muna, ako na ang
bahala dito." wika ko sa kanya. Tumango lang siya, halata pa rin sa
kanyang kilos ang iniindang sakit. Pagpasok niya sa banyo ay naghanap
ako ng basahan, at nakita ko sa isang kabinet sa kusina ang isang
powdered detergent. Medyo nangiti ako, dahil ayon sa commercial ay kaya
daw tanggalin nito lahat ng klase ng mantas, kahit dugo. "Pwes, ngayong
ko mapapatunayan kung ito ay totoo, o pawang kasinungalingan lamang."
isip ko. Binasa ko ang basahan, at nilagyan ng naturang detergent.
Pagkatapos ay pinabayaan ko na lang matuyo. Lumabas si Mia sa banyo,
ika-ika ang paglakad, at aninag sa kanyang mukha ang sakit sa pagpitas
ko sa bulaklak ng kanyang kabirhenan. Lumapit ako at niyakap ko siya,
hinalikan at tinanong, "Okey ka lang? Medyo namumutla ka, gusto mo higa
ka muna sa kuwarto mo?" Tumango siya, pero nang mapalingon sa sala ay
nakitang magulo pa ito. "Ako na ang bahala diyan, sige na, higa ka na,
susunod na lang ako pag tapos na akong magligpit dito." sabay halik uli
sa kanya. Pumasok na siya sa kuwarto niya at nagumpisa na akong
magligpit sa sala. Pagtingin ko sa relo ay alas-6 na, at nagtungo ako sa
kanyang kuwarto. Tulog na siya, at dahan-dahan akong humiga sa kanyang
tabi. Hindi ko maubos maisip na nakagawa na naman ako ng kalokohan,
ngunit kahit papano kong baligtarin ang mundo, ay gagawa at gagawa pa
rin ako, ito ay hindi ko na maipagkaila sa aking sarili. Nagising siya
bandang alas-7 ng gabi, at hindi maipinta ang saya sa kanyang mukha, at
pagbiling sa kanyang pagkakahiga ay sabing, "Hi… I love you…" Hindi ako
makasagot agad, pero hindi pa rin niya ito pinansin. Hindi ko alam kung
ano ang isasagot ko, dahil hindi ko naman talaga siya mahal. Yumakap
siya ng mahigpit, at hinalikan ako, at pagharap ko sa kanya ay
nagtanong, "Mia, hindi ko alam kung bakit pinabayaan kong umabot tayo ng
ganito. Ayaw kong umasa ka na dahil na…" "Sshh… wag ka nang mag-explain
pa, hindi ako humihingi ng paliwanag mo. Alam ko na may girlfriend ka,
na mahal mo siya, at hindi ako umaasa na ipagpapalit mo ako sa kanya
dahil lang may nangyari sa atin. I love you, and that's good enough for
me." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, "Pero bakit naman sa dami ng
lalake diyan eh, sa akin ka pa nain-love? Tapos, ako pa ang nauna sa
iyo, hindi naman ako ganun ka-espesyal sa tingin ko." Nangiti lamang
siya at sinabing, "Hindi ka mahirap mahalin, mabait ka, may sense of
humor, at marunong kang makinig sa mga taong kausap mo. And totoo ka,
hindi ka plastic, hindi mo tinatago ang totoo mong pagkatao. Alam ko
lang na sa iyo lang ako nakaramdam ng ganito, kaya enough na sa akin
yon. Wala akong hihingin sa ‘yo, minsan-minsan lang, kahit may siyota
ka, pag ukulan mo lang ako ng konting oras mo." Lalong nabagabag ang
aking damdamin sa sinabi niya, handa niyang ibigay ang sarili ng walang
kapalit. Niyakap ko na lang siya, walang masabi.
Dumating si
Irene, at muli naming sinundo sa airport kasama ang tita niya at mga
pinsan. Unang kita ko pa lang sa kanya ay parang nakakita ako ng bukang
liwayway matapos ang mahabang gabi, at aninag din sa kanyang mukha ang
saya at pagmamahal. Umuwi kami sa kanila, at tila hindi kami mabaklas sa
isa't isa, kung kaya't panay ang kantiyaw sa amin ng mga pinsan niya.
"Hoy, baka magkapalit na kayo ng mukha! Lagi kayong magkapulupot diyan!"
natatawa lang kami, pero hindi pa rin kami magkawalay. Kung puwede nga
lang siguro ay matutulog kaming magkatabi sa kama niya, yun nga lang ay
hindi puwede. Nagkasundo kaming magpunta uli sa Antipolo sa day off ko,
at dun na lang kami matutulog. Kinaumagahan ng Linggo, gumising ako ng
maaga at hinanda ang aming dadalhin sa Antipolo, at nilagay na sa kotse
ng isa ko pang pinsan. May lakad kasi si Dave kaya hindi niya mapahiram
sa akin ang kanyang sasakyan. Nagtungo ako kina Irene, at pagdating ko
ay naliligo pa siya. Nagyosi na lang muna ako sa labas, at duon ay
kinausap ako ni Aling Tibang. "Jun, wag mo naman sanang masamain, pero
pag umaalis kayo ng ganyan, sana ay wag mo ring kakalimutan ang tama at
mali. Hindi ko pinipigilan si Irene, yun lang sana ay tandaan mo rin na
malapit na ang board exam mo, at dahil hindi ka pa stable, sa tingin ko
ay kailangan gamitin niyo ang inyong isip, mahirap ang buhay ngayon."
Sumangayon ako, at sinabi rin na wag na lang siyang magalala, dahil
hindi pa rin kami nakakalimot sa katotohanan ng buhay. Sa wakas ay
lumabas na si Irene, napakaganda, napakbango, at halos hindi ko
napigilan ang sarili kong sunggaban siya, pero mabuti na lang at hindi
ko ito nagawa. Sumakay na kami sa kotse at nagtungo sa Antipolo, dumaan
muna sa Mcdo upang bumili ng hot chocolate at kape, at pagdating namin
sa bahay ng pinsan ko ay alas-7 pa lamang. Habang nagaayos siya ng
kuwarto ay nagluto na ako ng almusal, yung mga paborito niyang
longganisang Vigan at toast. Pareho kaming gutom, kung kaya’t naubos
lahat ang aking niluto, at pagkatapos maghugas ng pinggan ay nagtungo sa
labas upang magpahangin. Umupo kami sa ilalim ng mga puno, magkayakap,
habang pinagmamasdan ang magandang tanawin duon. "I've missed you, very
much, there were times I just wanted to go home and be here with you."
Hinalikan ko siya, "Oo nga eh, but we can't always get what we want, we
have to make certain sacrifices. Like our relationship, maganda sana
kung palagi tayong magkasama, but you have your work, and I have to
review and pass my board, para meron tayong future for us. But I missed
you too, and I can't imagine life without you." Yumakap siya ng
mahigpit, ngumiti, at sinabing, "Why don't we go inside and you can show
me just how much you missed me?" Hindi na siya nagdalawang salita,
tumayo kami at nagtungo sa loob ng bahay.
Pagpasok pa lang sa
kuwarto ay nagtagpo na agad ang aming mga labi, nagpalitan ng mga
maiinit at mapupusok na mga halik, tila isang taong uhaw matapos
maglakbay sa kalawakan ng disyerto. Walang pakundangan ang aming mga
kamay sa paghimas sa buong katawan, at parang hindi na makapaghintay
mailabas ang nagbabagang pagnanasa na bumabalot sa amin. Halos mapunit
ang aming mga damit sa pagmamadaling tanggalin ang mga ito, upang
magtagpo ang aming mga katawan, balat sa balat, init sa init. Humiga
kami sa kama, magkayakap pa rin, ayaw bumitaw, habang nage-eskrima ang
aming mga dila ay gumagala ang mga kamay. Lumapat ang kanyang katawan sa
kama, at umangat ako ng bahagya upang mabigyang daan ang aking kamay sa
malusog niyang dibdib. Hinimas ko ito ng aking palad, at sa bawat
paghimas ay sumasabay ang paggiling ng kanyang balakang, at nang hindi
ko na matiis ay binaba ko ang aking ulo at sinupsop ito, dinilaan,
hinimod, pinisil-pisil, kinagat-kagat. Bumaba ang aking kamay sa kanyang
bulaklak, sabay hagod dito, bahagyang pinatatamaan ang kanyang kuntil,
ngunit sa tuwing makanti ito ay napapaangat ang kanyang puwet. Tinulak
niya pababa ang aking ulo, papunta sa bulaklak na aking hinahagod, at
pagdating duon ay diniin ng husto ang aking ulo papunta sa kanyang
namamasang puwerta. Kiniliti ng dila ko ang kuntil, biglang lumipat sa
hiwa, pabalik sa kuntil, at nang marinig kong, "Jjjuunn… ppleeaassee…
uuuhhhh...", pinasok ko ang aking dila sa kanyang kasarapan, pinasok ng
diretso, labas-masok at paikot-ikot, walang pakialam sa likidong
tumutulo sa aking baba, naghalong katas niya at laway ko. Ramdam kong
malapit na siyang labasan, ako man ay ganun din, binunot ko ang aking
dila at sa pagpuwesto papatong sa kanya ay tinutok si manoy. Isang
kadyot ay bumaon nang husto ang aking alaga, sagad hanggang sa dulo, at
nagumpisang kumanyod ng mabilis, hayok na hayok sa aming
pagiisang-laman. Ilang kanyod pa ay naramdaman kong nagumpisa na ang
pag-agos ng aming katas, ang pagliyad ng kanyang likod, at pagdiretso ng
aking mga binti’t hita. Naghalong sarap, sarap na walang kapantay, tila
isang milyong maliliit na dila ng apoy na tumutupok sa aming pagkatao.
Dumagan ang aking katawan sa kanya, walang marinig kundi ang aming
paghinga at mabilis na tibok ng aming mga puso. Pagkaraan ng ilang
sandali ay ramdam ko pa rin ang libog na nanalaytay sa aking katawan.
Nagulat si Irene nang masalat niyang hindi pa rin humupa ang katigasan
ng ulo ni manoy, bahagyang napangiti at sinakmal ito sabay taas-baba ng
kamay sa aking mamasa-masang alaga. Nagtagpo muli ang aming mga labi, at
muling sinimulan ang paglakbay papunta sa langit. Hinimas ko ang
kanyang mga suso, paikot-ikot, at bawat hagod ay tila may kasamang
kuryente sa pagitan ng aking palad at ng kanyang utong. Pumatong muli
ako sa kanya, at sa pagpatong na ito ay agad namang naipasok ang aking
manoy sa kanyang bulaklak na naguumapaw pa rin sa katas ng aming
katatapos na pagtatalik. Bumaon ito, ngunit tila yata hindi pa
nakuntento si Irene ay tinaas ang kanyang mga binti upang dumako sa
aking likuran, at duon ay pinagkabit na parang isang tanikala, kinulong
ang aking katawan at sabay diin nito upang lalong bumaon si manoy.
Nagumpisa akong kumanyod, malalakas na pagbayo, habang ipit ng kanyang
mga hita ang aking baywang. Palakas nang palakas ang bawat pagbayo, tila
mababasag ang aking mga itlog tuwing hahampas sa gilid ng kanyang hiwa
at madudulas na singit. Siniil ko siya muli ng mga maiiinit na halik sa
labi, minsa’y kagat-kagat sa sobrang gigil ko sa kanya, tangan ang mga
umaalog niyang suso, umaalog pataas-pababa kasabay ng bawat pagkanyod.
Halos pumasok na pati mga itlog sa lakas at bilis ng pagbayo, pabilis ng
pabilis, pilit lampasan ang langit na kanina lamang pinanggalingan.
Sabay na kaming umuungol at napapasigaw sa tindi ng sarap na
nararamdaman, hanggang sa lumapit na sa pinakatuktok ng kaligayahan…
"Uuhhhmmmm... Aaahhhhh… Aaaaahhhh… AAAAHHHH!!!"
Muli akong
dumagan sa kanya, lumapat ang aking ulo sa kanyang balikat, habang tila
naman malalagutan siya ng hininga, halos mabali ang leeg sa
pagkakatingala at pikit-matang dikit sa kama ang kanyang ulo. Nakabaon
na ang kanyang mga kuko sa aking likod, habang napakagat naman ako sa
kanyang balikat, pero hindi namin ito pansin, hindi pansin habang tuloy
pa ring lumalabas ang aming mga katas, naguumapaw sa kanyang puwerta,
umagos sa singit at nagbaha sa kama. Ilang kilig pa ay nagumpisang
humupa ang init, at sa paghupang ito ay duon naramdaman ang pagod at
panlalambot, hanggang tuluyan na kaming nakatulog sa ganung
pagkakapuwesto... Bandang alas-dos na ng tanghali nang kami'y magising,
ngunit kapwa ayaw umalis sa pagkakahiga, nanatili kaming magkayakap at
nagbubulungan ng aming pagmamahal sa isat isa. Nakalipas ang isang oras
ay naramdaman na rin namin ang gutom, kung kaya’t tumayo kami at sabay
nag-shower. Sumakay kami sa kotse at naghanap na lamang ng makakainan,
nagpopondo ng lakas para sa pagtatalik na alam naming magaganap uli sa
pagbalik sa bahay. Pagbalik namin sa bahay, ay nagyaya siyang
mag-swimming sa pool, at hindi na kami nagbihis, kundi nag-alis na
lamang ng aming mga saplot at lumusong na hubo't hubad. Muli kaming
nagtalik sa tabi ng pool, sa kusina habang nagluluto ng hapunan, at
matapos makakain, nagpahinga lamang ng sandali ay inumpisahan na naman.
Sa buong magdamag, pagising-gising kami, at sa bawat pagkakataon ay tila
hindi kami nabubusog o nagsasawa sa isa’t isa. Dinatnan kami ng bukang
liwayway na magkapatong, nagpapasarap, pagod ngunit ubod ng saya.
Bumalik na kami sa bahay nila, at nagkasundong hindi muna magkikita ng 5
araw, dahil sa board exam ko na dalawang araw na lang bago maganap.
Tatlong araw ang aking exam, at sa pagkatapos nito ay magkikita kaming
muli. Pagbalik ko sa bahay ay puspusan na ang aking ginawang pag-review,
hindi lumalabas ng bahay, walang TV, inom at kung ano pang maaaring
makasira sa aking pagre-review. Dumating ang araw ng aking exam, nagkita
kami nina George at Rico, magkakasama kami ng building ngunit
magkakaibang kuwarto. Sabay kaming kumakain, at sabay umuuwi, diretso sa
boarding house nila kung saan ako ay nag-transient muna upang malapit
lang sa lugar ng exam.
Sa ikatlong araw ay medyo kabado pa rin
kami, ngunit medyo masaya na at huling araw na. Lumabas ako ng alas-dos
ng tanghali sa examination room, ngunit ala pa sila Rico at George.
Nagtambay muna ako, at nagtext kay Irene upang ipaalam sa kanyang tapos
na ang exams ko. Tumawag siya at sabing, "Love, I can't make it tonight,
I have to fly out to Boracay for a photoshoot. I'll probably be there
for about three days. I'm really sorry, this just came up." Wala naman
akong magawa kundi sumunod na lang, dahil trabaho yun. "No, it's ok,
don't think about it too much. I'll just probably have a couple of beers
with Rico nd George. We'll have time when you get back. Anyway, try to
get enough rest, and Irene? I love you…" "I love you, too. You be good
now, you hear? Bye." Shit, isip ko na lang, wrong timing naman. Habang
naghihintay ko sa mga barkada ko, naisip kong i-text si Mia. Lalabas daw
siya ng alas-5, kung gusto ko daw ay magkita na lang kami sa may gate
ng UST. Tinext ko na lang sina George na mauna na ko sa kanila, at may
pupuntahan ako. Nagtungo ako sa tindahan, at nadatnan ko ang boss ko sa
labas. Aninag sa kanyang mukha na hindi maganda ang timplada, hindi ko
alam kung bakit. Nang makita ako ay lalong umasim ang mukha, tila
nakainom ng sukang paumbong. Sinenyasan akong pumunta sa loob, pumasok
kami sa kanyang maliit na opisina. Habang papasok ay napansin kong
mayroong bagong staff, tinuturuan ni Stef. Pagdaan ko kay Stef ay
nginitian ko siya, ngunit yumuko lang siya at tila hindi makatingin sa
akin. Masama yata ito, isip ko, ano kaya’ng nangyari? Pinaupo ako ni
boss, at walang pasakalyeng sinabi, "Jun, nakita mo siguro yung bagong
staff diyan sa labas, kapalit mo yun. As of today, hindi ka na empleyado
dito. Bibigyan kita ng dalawang linggong sweldo, mag-reconcile na kayo
ni Stef sa mga stocks." Nabigla ako, hindi sukat akalain na ganun ang
mangyayari. "Pero boss, bigla naman po yata. Bakit po, may nagawa ba po
ako para masisante na lang ng ganyan?" salubong ang kilay ni boss, at
sabing, "Alam mo Jun? Hindi ko gusto ang trabaho mo, palagi kang absent,
at mabagal kang kumilos. Ngayon, aalis ako, at sa pagbalik ko, dapat
tapos na kayong mag-reconcile ni Stef. Na kay Stef na yung 2 linggong
sweldo mo, kunin mo na lang pag-alis mo mamaya." Iniwan niya ako at
umalis sa tindahan.
Lumabas ako sa opisina at dumiretso kay
Stef, "Stef, ano ba’ng nangyari, bakit bigla na lang akong sinisante ni
boss? May nangyari ba nung wala ako?" Hindi pa rin makatingin sa akin si
Stef, "Iniwan lang niya itong last sweldo mo, pati na yung 2 weeks
salary, separation pay mo daw. Sorry ha? Hindi ko kasi alam na ganito
ang mangyayari." Tinitigan ko siya at sinabing, "Magsabi ka nga ng
totoo, Stef, ano ba talaga? Wala akong alam na ginawa ko para ganituhin
ako. Siguro naman kahit paano dapat malaman ko ang totoo." Narinig ko
ang bahagyang singhot ni Stef, at kahit nakayuko ay alam kong lumuluha
siya. "Totoo kasi niyan Jun, kasalanan ko ang lahat. Hindi ko kasi
nasabi sa ‘yo ang tungkol sa amin ni boss." Sumabat ako sa kanya, "Hindi
mo alam Stef, na alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa ni boss,
matagal na." Napatingin siya sa akin, "Pano mo nalaman, eh, wala naman
akong sinabi sa ‘yo?" tinignan ko siya ng diretso, "Naalala mo ba nung
umuwi ka ng maaga? At kinuwento ko kung papano ko nalaman ang
katotohanan. Hindi siya makaiimik, pero pinilit ko siyang sabihin ang
dahilan ng pagkasisante ko. "Minsan kasi, magkasama kami, hindi ko
napansin na pangalan mo pala ang nasasabi ko. Galit na galit siya, eh,
bandang huli umamin din ako na nagkarelasyon tayo. Jun, sorry, hindi ko
sinasadya, kung alam ko lang na ganyan ang mangyayari, hindi ko na sana
inamin." tumutulo ang kanyang luha, at sa itsura niya ay lumambot ang
puso ko. "Wag mo nang isipin yun, ganun talaga. Wala na akong magagawa,
hanap na lang uli ako ng ibang trabaho." Tinignan niya ako ng matagal,
tapos ay, "Ako na ang bahala sa mga stocks, hintayin mo ko sandali,
kukunin ko lang yung sobre mo." Ilang sandali lamang ay bumalik na siya
at inabot ang sobre, "Sorry talaga, Jun, kung..." pinigil ko ng daliri
ko ang kanyang pagsasalita at sabing, "Ssshhh, sabi ko naman wag mo nang
isipin yun. Ok lang ako. Siya, sige, aalis na ako." Akmang aalis na ako
nang bigla akong hinalikan, at sabing, "I love you, sana..." Pero
tumalikod na lamang ako, at lumabas paalis. Wala pang alas-singko, isang
oras pa akong maghihintay kay Mia. Naisipan kong magpunta na lang muna
sa Isetann para magpalipas oras, para makapagisip kung ano ang gagawin
ko ngayong wala na naman akong trabaho.
Nagtungo ako sa
Isetann, at sa isang tabi ay nagyosi ako at nag-isip kung ano ang aking
gagawin. Tinext ko ang pinsan kong contractor, nagbakasakali na may
maibibigay siyang trabaho, kahit maliit, basta kikita kahit konti.
Nagreply siyang kailangan nga daw ng electrician, at may project siya sa
may Tuazon, isang condominium. Ayon pa sa kanya, delay na daw sila,
kaya nagdadagdag ng tao. Bukas ay sasabay na lang daw ako sa kanya, para
maipakilala sa foreman at sa kanyang katiwala duon. Solve na ang
problema ko, kahit na temporary ay merong papasok na pera. Nagbalik na
ako sa may gate ng UST, at hindi pa nagtatagal na naghihintay ay nakita
ko nang padating si Mia. Hindi siya nag-iisa, merong mga kasama, pawang
mga naka-uniform din, hindi ko sila kilala, siguro ay mga kaklase niya.
Ang sarap ng kanyang ngiti nang ako ay makita, halata sa kanyang mukha
ang saya at pagmamahal. Napayuko ako, hindi ko matignan ng diretso dahil
hindi ko masuklian ang pagmamahal niyang ito. Pinakilala niya ako sa
mga kasama niya, at sinabing punta daw kami sa Megamall para manood ng
sine. Yun palang isang kasama niya ay may sariling sasakyan, at paglabas
ay nagsakayan kami sa dala nitong kotse. Habang papunta sa Megamall ay
nagkuwentuhan kami ni Mia at kanyang mga kasama, sina Peachy, Mona at
ang may dala ng kotse na si Francine. Dumating kami sa Megamall at
nagtuloy sa Burger King, bumili ng aming babaunin at nagtungo na kami sa
sinehan. Nasa kaliwa ko si Mia, habang katabi ko naman si Francine sa
aking kanan. Nakapatong ang kamay ni Mia sa aking hita, halos bandang
singit ko na, na isang dahilan kung bakit nagwawala si manoy.
Pinipisil-pisil pa ni Mia ang aking hita, at minsa’y nasasagi ko naman
ang gilid ng suso ni Francine, hindi tuloy ako makapag-concentrate sa
pelikula, hindi ako makaupo ng diretso dahil madalas mawala sa puwesto
si manoy. Laking pasasalamat ko nang matapos ang pelikula, at medyo
babalik sa normal si manoy. Paglabas namin sa sinehan ay nagtungo kami
pababa, at uuwi na nga sana, ng biglang, "Tita!" sabay lapit ni Francine
sa isang babaeng nakatayo sa may isang shoe store. Lumapit kami at
pinakilala kami ni Francine sa Tita Adel niya. Habang nagwi-window
shopping ay nalaman kong naghahanap ng property ang isang kliyente
niyang Taiwanese sa may bandang Antipolo, at medyo malaki daw ang
budget. Tinuro ako ni Francine at sinabing, "Si Jun, Tita, baka may alam
siya, marami yata siyang kilala sa Antipolo." Tumingin sa akin ang tita
niya at tinanong, "Well, Jun, may alam ka bang mga residential
properties duon na for sale or balak pa lang ibenta? Minimum na 1500
square meters, gusto ng client ko medyo maluwag." Tumango ako at
sumagot, "Meron po akong alam na gustong magbenta, although hindi pa
nag-announce or anything to that effect. Kausapin ko po sila, and if
they've decided to sell, where can I reach you?” Binigay ng tita ni
Francine ang cel number niya, at bago kami naghiwalay ay nangako akong
lalakarin ito. Hindi na kami sumabay ni Mia sa kanila, at ihahatid ko na
lang siya sa bahay nila. Paglabas ng Megamall ay sumakay kami ng taxi,
ngunit pagsakay namin ay bumulong si Mia, "Jun, mamaya na tayo umuwi,
maaga pa naman." "Eh, saan mo gustong pumunta? Naka-uniform ka pa, di
naman tayo makakagimik niyan." Yumakap siya at sabing, "Basta, kahit
saan, wag na muna tayong umuwi." Tinapik ko ang driver ng taxi at may
binulong sa kanya, tumango at biglang binuwelta ang sasakyan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento