Dear Xerex,
Magustuhan at mapili mo sana itong ikukumpisal ko sa
iyo. Sakaling may hindi ka naibigang salita na ginamit ko ay
ipagpaumanhin mo na lamang sana. Ikaw na lang ang bahalang umayos o
alisin alinman sa mga isinulat ko na sa tingin mo ay hindi puwedeng
ilabas.
Dati kuntento na ako sa pagbabasa ng pitak mo. Ngayon,
isa na rin pala ako sa magbabahagi ng mga personal na nakaraan sa akin.
Hindi ko alam kung kakaiba ito sa mga nagpapadala sa iyo ng kanilang mga
karanasan. Sa dami ng mga nababasa ko sa column mo at marami pa ang
tiyak na magpapadala ay hindi ko na matandaan lahat ng kuwentong
inilabas mo.
Hindi na ako mahihiyang ikuwento ang aking nakaraan,
tutal tiwala ako sa iyo na hindi mo ibibigay ang tunay kong pangalan at
kung saan matatagpuan. Alam ko rin, batay na rin sa mga nababasa ko, na
kapag hiniling sa iyo na itago ang tunay na pagkatao ng isang sumulat
ay pinagbibigyan mo. Sa ganang akin, ganito rin sana ang nais kong
hilingin sa iyo.
Para sa akin ay makulay ang nakaraan ko. Makulay
na ang ibig kong ipakahulugan ay maraming pangyayari na hindi ko lubos
maisip kung bakit biglang dumating ito sa akin. Ngunit inaamin ko sa
aking sarili na ako talaga ang nagkamali. Dahil kung hindi siguro ako
nagpadala sa tukso at buyo ng damdamin ay baka buo pa rin ang pamilya
ko.
Tahimik kaming nagsasama ng aking asawa. Apat ang anak na mga
binatilyo’t dalagita na. Ngunit mahirap din pala kapag
nagkakasabay-sabay na lumalaki ang inyong mga anak. Problema namin
kadalasan ang panggastos sa araw-araw eh hindi naman kalakihan ang
kinikita ng mister ko.
Natuto kaming mag-asawa na magtiis,
magtipid at isakripisyo ang personal na kaligayahan alang-alang sa mga
anak namin. Kapag magkasarinlan na kami sa gabi ay doon namin
napapag-usapan na pasasaan at balang araw ay giginhawa rin ang buhay
namin kapag napagtapos ang mga bata sa pag-aaral.
Ngunit sadya
talaga sigurong dumarating ang mga pagsubok sa buhay. Ang masakit, pag
dumating pa ito ay kumakapit sa mga taong katulad namin na maliit lang
ang katayuan sa buhay. Natutong gumamit ng bawal na gamot ang pangalawa
naming anak na lalaki. Buong akala naming mag-asawa ay maayos na
nag-aaral siya ngunit hindi pala.
Nalaman ko na lang sa kanilang
eskwela na hindi pumapasok ang anak ko. Pinatawag ako ng teacher niya
para kausapin tungkol dito. Kinausap naming mag-asawa ang pangalawa
ngunit nagkasakitan pa sila ng kanyang ama. Mula noon, hindi na pumasok
ang anak ko at naging palaboy na lang. Kapag umuuwi naman ay nag-aaway
silang mag-ama.
Magmula noon laging buryong ang asawa ko. Parang
na-depress siya sa ginawa ng anak namin. Hirap na hirap kaming maiahon
sila tapos ganito pa ang gagawin niya sa amin ng kanyang ama. At imbes
na magbago at humingi ng tawad sa kanyang ginawa ay pinili pa na
magpakalulong sa kanyang barkada na masamang impluwensiya sa kanya.
Matagal-tagal
na rin iyon nang biglang may dumating na isa pang dagok sa buhay namin.
Kasama ang asawa ko sa naalis sa kanilang trabaho dahil hindi na raw
kayang magpasuweldo ng maraming tauhan. Ang konting natanggap ng mister
ko ay hindi rin nagtagal at naubos agad. Nakahanap naman siya pero hindi
permanente. Simula noon pa-sideline, sideline na lang kung mamasukan
ang mister ko kaya naman ang hirap pagkasyahin ng kanyang pera.
Dito
kami umabot sa puntong nanghihiram na ako ng panggastos minsan. Ang
minsan ay naging madalas. Nagkagalit pa nga kami ng isang kapatid ko na
hindi namin mabayaran agad ang naiipon na palang pagkakautang namin.
Wala namang maitulong ang mga magulang ko dahil matatanda na sila.
Ang
hirap ng kalagayan namin. Nagsasakripisyo’t nagtitiis na nga kaming
mag-asawa para sa aming mga anak ngunit hindi pa rin ito sapat.
Kailangan talaga ang pera upang makaraos kami. Gusto ko sanang umuwi na
lang kami sa probinsya ng mga magulang ko ngunit ayaw ng asawa ko.
Pipilitin daw niyang kayanin na balikatin ang kanyang pasanin. Ngunit
alam kong sa salita lang niya magagawa iyon.
Sa lugar na lang
namin ay kinakapalan ko na lang ang aking mukha sa panghihiram kapag
kapos na kapos talaga kami. Lalo na kapag kailangan ng mga bata ang
pera. Dagdag na pabigat pa ang nagloko naming anak dahil minsan nahuli
at naawa naman ako na makulong kaya ginawan ko ng paraan na mailabas
dahil menor de edad pa.
Galit na galit sa akin ang asawa ko.
Inaway ko dahil bakit ko pa raw kinunsinti samantalang hindi na nga raw
siya nirerespeto. Idinadaan ko na lang lahat sa iyak kapag mag-isa na
lang ako sa bahay. Mabigat sa kalooban ko ang ginawa ng anak kong lalaki
ngunit hindi ko rin matiis na malamang nakakulong siya. Ngunit hayun
ang tarantadong anak ko, paglabas ay parang walang anumang nangyari at
bumalik pa rin sa dating gawi.
Hindi iyon ang unang pagkakahuli
sa kanya. Nang sumunod ay nalaman na ng asawa ko at pinagsabihan agad
ako na huwag nang pakikialaman para magkaroon daw ng leksyon. Ilang araw
rin na hindi ako mapagkatulog sa pag-aalala. Hindi siguro ako masisisi
Xerex na mag-alala dahil sino ba namang ina ang hindi malulusaw ang puso
kapag may nangyaring masama sa kanyang anak. Ngunit lahat ng ito ay
kinimkim ko lang sa aking sarili.
Gusto ko sanang tikisin ang
aking anak para maturuan ng leksyon. Ngunit bumigay rin ang pusong ina
sa akin. Nag-isip ako kung paano makakagawa ng paraan para mailabas
siya. Kailangan ko na naman ng pera at iyon ang problema kung saan ako
maghahagilap ng pampiyansa sa kanya.
Nahihiya na akong lumapit sa
mga dati kong nilalapitan. Lalo pa siguro kung lalapit ulit ako sa
kanila at malalaman na gagamitin ko lang para sa anak kong nakulong.
Ngunit kailangan kong kumilos hanggang sa may nakapagsabi sa akin na
subukan ko raw kausapin ang kapitbahay naming si Nanding.
Si
Nanding ay hindi naman mayaman ang pamilya. Ngunit medyo nakakaangat ang
buhay nila roon sa kalye namin. Kailanman ay hindi ko pa nasubukang
lumapit sa kanya. Kaya ito ang unang pagkakataon na susubukan ko pa lang
hingan siya ng tulong.
May asawa’t mga anak na rin si Nanding.
Tahimik ang kanilang buhay ngunit kilala siya sa lugar namin na mahusay
makisama. Katunayan madalas na may nag-iinuman sa bahay nila. Ang mga
kainuman niya ay ang kanyang mga barkada roon sa lugar namin.
Dala
ng mahigpit na pangangailangan, lakas-loob akong pumunta sa kanila. Ang
kanyang asawa ang una kong nakausap ngunit mabuti pa raw kung si
Nanding ang diretsong kausapin ko dahil hindi siya ang humahawak ng pera
nila. Tinawag si Nanding at paglabas ay iniwan kami ng kanyang asawa sa
kanilang sala.
Bago pa ako nakapagsalita ay inunahan na ako ni
Nanding. Kung sadya ko raw ay humiram para sa anak kong nakulong ay
walang problema. Lumukso ang puso ko sa labis na katuwaan. Hindi na ako
nahirapang kausapin pa sila at parang siya na mismo ang nag-alok ng
tulong sa akin. Laking pasasalamat ko sa kanila at nangakong babayaran
agad kapag nagkaroon na ako ng pera kahit ang totoo ay hindi ko pa
naiisip kung saan ko naman hahagilapin ang ipambabayad sa kanila.
Ngunit
bago ako umalis ay mahigpit ko siyang pinakiusapan na huwag na huwag
makakarating sa kaalaman ng aking asawa na humiram ako sa kanila.
Nangako naman si Nanding at sabi pa nga sa akin ay naiintindihan daw
niya na nag-aaway ang mag-ama ko.
Lumabas ang anak ko ngunit
hindi siya umuwi sa amin. Pumupunta lang siya kapag alam na wala ang
kanyang ama. Ako naman ay problemado na sa dami ng kompromiso. Lalo na
nang pinuntahan ako ng anak ni Nanding at pinatatanong daw ng kanyang
ina ang hiniram ko. Wala akong maisagot at sinabihan ko na lang ang bata
na pupunta ako sa kanila.
Tuliro ako at hiyang-hiya habang
kausap ko ang kanyang asawa na medyo may kasungitan ng araw na kausapin
ko. Buti na lang lumabas si Nanding at siya na raw ang bahalang
makipag-usap sa akin tutal sa kanya ako personal na humiram.
Inamin
ko ang totoo kay Nanding na wala pa akong maibabalik kahit magkano sa
aking hiniram. Naunawaan naman niya ako at pumayag na kapag nakaluwag na
ay saka ko na lang ibibigay sa kanya ang hiniram ko. Hiyang-hiya ako
ngunit kailangan kong kapalan ang aking mukha.
Wala akong
kaalam-alam na ang kabaitang ipinakita sa akin ni Nanding ang unti-unti
palang magtutulak sa akin sa kumunoy ng pagkakasala. Umpisa noon kapag
napapadaan ako sa kanila at natitiyempong nasa labas si Nanding ay
tinatawag niya ako. Hindi para maningil kundi kinukumusta lang ang aking
anak. Wala naman akong ibang masabi kundi ang totoo na hindi pa rin
nagbabago ang anak ko.
Kahit may mga kaharap siyang barkada at
nag-iinuman sila, kapag dumadaan ako sa kanila at nakita niya ay
tinatawag ako ni Nanding. Tumatayo pa iyan sa kanyang kinauupuan para
lumapit sa akin at makipag-usap sandali.
Nahihiya akong lumapit
kapag nandoon ang kanyang mga kaibigan dahil kung makatingin ay parang
mga nakakaloko at nagbubulungan pa ang iba. Ngunit nahihiya naman akong
hindi lumapit dahil sa kompromiso ko kay Nanding.
Ganun ng ganun
lagi. Ako na nga ang umiiwas na dumaan sa kanila. Hangga’t maaari ay
ayokong matatawag pa niya kapag kaharap ang kanyang mga barkada. Subalit
magkapitbahay kami kaya hindi maiiwasan na mapadaan ako ng madalas sa
kanila.
Gabi noon at walang ibang tao sa bahay kundi ako lang.
Biglang dumating si Nanding na itsura pa lang ay halatang nakainom.
Hindi ko malaman ang aking gagawin sa pag-aakalang maniningil na siya.
Pero pinakiharapan ko ng maayos at pinapasok ko pa sa loob ng bahay.
Hinatid
daw niya sa labasan ang kanyang mga kaibigan. Wala raw siyang ibang
sadya kundi ako. Nang magpapaliwanag na sana ako tungkol sa hiniram ko
sa kanila ay bigla niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay. Kumabog
ang dibdib ko sa ginawa ni Nanding. Pisil pa lang niya sa kamay ko,
ramdam ko nang may halo itong malisya.
May itsura ka at bata pa.
Mukhang matanda ka lang dahil siguro sa problema n’yong mag-asawa,” ayon
kay Nanding. Tinanong ko siya kung ano’ng ibig sabihin ng kanyang
ginagawa sa akin. Ngumiti si Nanding sabay sabi sa akin na kung
nakakaintindi raw ako, dapat ay alam ko kung ano ang ibig n’yang sabihin
sa akin.
Inalis ko ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak.
Sabay pinakiusapan siya na kung maaari ay umalis na at baka abutan pa
kami ng aking asawa. Tiyak ‘kako na magtatanong iyon kung bakit nandoon
si Nanding sa bahay at baka malaman na humiram ako sa kanila para
mailabas lang ang anak ko.
Imbes na pakinggan ang pakiusap ko ay
lumapit muli si Nanding sa akin at hinawakan uli ako sa kamay. Umiwas
ako ngunit kasabay ng pag-iwas ko ay niyakap niya ako. Nagpanting ang
tenga ko sa galit at pilit ko siyang itinutulak. Ngunit wala akong
magawa dahil mas malakas siya sa akin.
Hindi ko rin magawang
sumigaw dahil ewan ko ba kung bakit unang pumasok sa utak ko ay baka
marinig kami sa bahay nila na katabi lang sa amin. Nagpumiglas ako
ngunit hindi bumitiw si Nanding. Hanggang sa nahalikan niya ako sa labi.
Kung hindi ko pa siya kinagat sa labi ay hindi pa lalayo sa akin.
Lasing
ka lang, umuwi ka na bago pa dumating ang asawa ko,” sabi ko kay
Nanding. Akmang lalapit uli siya sa akin ngunit lumayo na ako. Nagsalita
siya at sabi sa akin, pag-isipan ko raw ang sinabi niya sa akin sabay
humakbang palabas.
Ngunit bago tuluyang lumabas ng bahay namin ay
nagbitiw pa ng salita. “Masarap ka pa rin halikan. Pag may problema ka,
`wag kang mahihiyang lumapit ulit sa akin,” ayon kay Nanding na
nakangiti. Sa kanyang sinabi ay pinunasan ko ang aking labi para mawala
ang bakas ng kanyang halik.
Hindi ko kinuwento ang nangyari sa
amin ni Nanding pagdating ng asawa ko. Ayo-kong madagdagan pa ang
kanyang problema. Ngunit hindi ako makatulog kahit nakahiga na katabi
ang aking asawa. Naglalaro sa isip ko ang ginawa sa akin ni Nanding
kanina at paulit-ulit na bumabalik sa aking alaala ang kanyang mga
sinabi.
Simula noon ay iniwasan ko na talaga hangga’t maaari ang
magkita kami ni Nanding. Nag-iisip na rin ako ng paraan kung paano
maibabalik ang hiniram kong pera sa kanila. Alam kong hangga’t may
kompromiso ako sa kanila ay naroroon ang pagkakataon para kay Nanding na
makalapit sa akin.
Ngunit nasundan muli ang ginawa niya sa akin.
Itinaon niyang mag-isa uli ako sa bahay at araw pa man din kung kailan
wala sa bahay ang aking asawa dahil pumasok sa trabaho at nag-aaral ang
mga anak namin. Mas malakas ang loob ni Nanding ng araw na iyon. ‘Di ko
nga sukat-akalain na darating siya at wala akong kaalam-alam na
nakapasok na pala siya sa loob ng aming pamamahay na hindi ko man lang
nalalaman.
Nasa kusina ako noon nang bigla siyang pumasok na
lang. Akala ko, ang asawa ko lang na hinawakan ako sa bewang. Hindi ko
kasi nakita ang pagpasok niya dahil nakatalikod ako at naghuhugas ng
kaldero sa lababo. Hindi ko rin narinig kahit kaluskos man lamang niya
dahil siguro ingat na ingat din sa pagpasok para hindi ko marinig.
Sa
gulat ko ay hinarap ko kung sino ang humawak sa aking bewang na
sinundan pa ng pagtapik sa aking balikat. Si Nanding na naman! Inamoy ko
kung lasing ngunit hindi naman at wala rin sa itsura niya ang nakainom
ng alak gaya ng unang pumasok siya sa bahay namin na mag-isa lang ako.
“Bakit
bumalik ka pa?” sabi ko. Hindi ako sinagot, sa halip ay niyakap at
sinibasib ako ng halik sa labi. Lumaban ako ngunit nangibabaw ang
kanyang lakas. Nang pagbantaan kong sisigaw ako para marinig sa bahay
nila ay lalo pa akong niyakap at hinalikan sa labi.
Pilit akong
nagpupumiglas mula sa kanyang yakap ngunit pinag-ibayo pa ni Nanding ang
pagkakayakap sa akin at para siguro hindi ako makasigaw ay mariing
hinalikan ang aking labi. Saka lang niya ako binitawan nang hindi na ako
gumagalaw at hinayaan siya sa kanyang kalapastanganan. Ngunit ramdam ko
ang kanyang mga halik sa aking labi.
“Umalis ka na bago pa
makarating sa asawa ko ito,” sabi ko sa kanya. Ngunit hindi natinag sa
kanyang kinatatayuan si Nanding. “Kursunada kita at kung payag ka, wala
namang makakaalam nito dahil itatago natin at matutulungan pa kita,”
ayon sa kanya.
Hindi ako nakakibo sa kanyang sinabi. Pero aaminin
ko sa iyo Xerex na natukso ang isip ko sa inaalok ni Nanding. Alam kong
malaki ang kanyang maitutulong sa akin sakaling pumayag ako ngunit
namamayani rin sa dibdib ko ang takot sakaling sumawsaw ako sa
pagkakasala.
Simula noon ay iniwasan ko na talaga hangga’t maaari
ang magkita kami ni Nanding. Nag-iisip na rin ako ng paraan kung paano
maibabalik ang hiniram kong pera sa kanila. Alam kong hangga’t may
kompromiso ako sa kanila ay naroroon ang pagkakataon para kay Nanding na
makalapit sa akin.
Ngunit nasundan muli ang ginawa niya sa akin.
Itinaon niyang mag-isa uli ako sa bahay at araw pa man din kung kailan
wala sa bahay ang aking asawa dahil pumasok sa trabaho at nag-aaral ang
mga anak namin. Mas malakas ang loob ni Nanding ng araw na iyon. ‘Di ko
nga sukat-akalain na darating siya at wala akong kaalam-alam na
nakapasok na pala siya sa loob ng aming pamamahay na hindi ko man lang
nalalaman.
Nasa kusina ako noon nang bigla siyang pumasok na
lang. Akala ko, ang asawa ko lang na hinawakan ako sa bewang. Hindi ko
kasi nakita ang pagpasok niya dahil nakatalikod ako at naghuhugas ng
kaldero sa lababo. Hindi ko rin narinig kahit kaluskos man lamang niya
dahil siguro ingat na ingat din sa pagpasok para hindi ko marinig.
Sa
gulat ko ay hinarap ko kung sino ang humawak sa aking bewang na
sinundan pa ng pagtapik sa aking balikat. Si Nanding na naman! Inamoy ko
kung lasing ngunit hindi naman at wala rin sa itsura niya ang nakainom
ng alak gaya ng unang pumasok siya sa bahay namin na mag-isa lang ako.
“Bakit
bumalik ka pa?” sabi ko. Hindi ako sinagot, sa halip ay niyakap at
sinibasib ako ng halik sa labi. Lumaban ako ngunit nangibabaw ang
kanyang lakas. Nang pagbantaan kong sisigaw ako para marinig sa bahay
nila ay lalo pa akong niyakap at hinalikan sa labi.
Pilit akong
nagpupumiglas mula sa kanyang yakap ngunit pinag-ibayo pa ni Nanding ang
pagkakayakap sa akin at para siguro hindi ako makasigaw ay mariing
hinalikan ang aking labi. Saka lang niya ako binitawan nang hindi na ako
gumagalaw at hinayaan siya sa kanyang kalapastanganan. Ngunit ramdam ko
ang kanyang mga halik sa aking labi.
“Umalis ka na bago pa
makarating sa asawa ko ito,” sabi ko sa kanya. Ngunit hindi natinag sa
kanyang kinatatayuan si Nanding. “Kursunada kita at kung payag ka, wala
namang makakaalam nito dahil itatago natin at matutulungan pa kita,”
ayon sa kanya.
Nakatulugan ko pa ang pag-iisip. Kaya lang ako
nagising dahil parang naalimpungatan at iyon pa rin ang laman ng isip
ko, ang nangyari sa amin kahapon at ang nakatakdang pagkikita namin ni
Nanding ng araw na iyon. Hindi ako makakilos ng maayos kahit mag-isa na
lang sa bahay. Hindi ko tuloy nagawa ang mga dapat gawin dahil parang
nanlalata ang aking katawan dala na rin ng pagkapuyat sa halos magdamag
na pag-iisip.
Wala akong nabuong desisyon kundi kusang sumipot na
lang sa lugar na sinabi ni Nanding sa akin. Pagdating ko roon ay
nandoon na siya. Kita niya agad ako habang naglalakad papalapit pa lang
sa lugar na sinabi niya sa akin. Nang makalapit na ako ay nagkunwari si
Nanding na kinakausap niya ako tungkol sa pera ngunit pabulong na
sinabihan akong palipasin ko lang daw ang ilang minuto at sundan ko na
siya kung saang direksyon pumunta.
Parang amo ko siya na
sunud-sunuran lang ako kung ano ang ibig niyang ipagawa sa akin.
Makalipas ang ilang minuto ay sinundan ko siya palabas ng palengke.
Hinihintay lang pala niya ako sa labasan at saka lang siya tumawag ng
tricycle at doon kami sumakay. Saka niya pinara ang tricycle nang
makalayo na kami sa lugar namin at pumara naman ng jeep.
Habang
lulan ng jeep ay saka ipinaliwanag sa akin ni Nanding na kaya lang niya
ginawa iyon, para makaiwas sa sinumang maaaring makakita sa amin. Dito
ko siya tinanong kung saan kami pupunta. Sa mas ligtas na lugar lang daw
kami pupunta para makapag-usap.
Sa isang karinderya kami
tumuloy. Umorder pa siya ng pagkain at habang kumakain kami ay saka lang
niya binuksan ang usapan tungkol sa amin. Ipinaliwanag niya na hindi
raw niya gustong guluhin ang buhay ng pamilya ko. Ayaw rin daw sana
niyang gawin iyon na pinuntahan pa ako sa bahay kung hindi lang dala ng
kalasingan niya noong unang pumunta siya sa amin. Ang pangalawa ay
ginawa raw niya dahil alam na raw niyang ako lang ang tao sa bahay.
“Ano’ng
gusto mo?” sabi ko sa kanya habang nasa kalagitnaan ng pagsasalita si
Nanding. Gaya ng dati, walang kagatul-gatol na ipinagtapat sa akin ni
Nanding na ako ang gusto niya at wala nang ibang dahilan.
“Eh
bakit ako pa, may asawa na ako,” isinagot ko sa kanya. Ngiti lang ang
itinugon ni Nanding sa akin. Nang makita siguro na parang nag-uusisa ako
sa pagkakatingin sa kanya ay saka lang sumagot. “Wag mong isipin na
sinasamantala ko ang problema n’yo, kursunada na talaga kita noon pa.
Sabi ko nga sayo, bata ka pa at maganda. Mukhang matanda ka lang dahil
sa problema n’yo,” ayon sa kanya sabay ngumiti uli.
Magsasalita
pa sana ako ngunit pinutol agad ni Nanding. Sinabihan ako na mabuti pang
kumain na lang daw kami. “Saan tayo pupunta pagkatapos dito?” sabi ko
sa kanya. Wala raw kaming ibang pupuntahan kundi doon lang para
mag-usap.
Buong akala ko na ng mga sandaling iyon ay yayayain
agad ako ni Nanding kung saang lugar para magawa ang gusto niyang gawin
sa akin ngunit hindi pala. Naging mabait siya sa akin ng araw na iyon.
Habang nasa loob kami ng karinderya ay inasikaso niya ako bagay na hindi
na nagagawa sa akin ng asawa ko dahil subsob sa trabaho.
Pansamantalang
nawala sa loob ko ang pag-aalala. Matapos makakain ay kinausap na ako
ng masinsinan ni Nanding. Naging usapan namin na sa labas lang
magkikita. Kung may kailangan daw ako ay sabihin ko na sa kanya kapag
magkasama kami at hindi puwedeng pupuntahan ko pa siya sa bahay nila.
Mabuti na raw iyon para makaiwas sa mga suspetyosong mata sa lugar
namin.
“Binabayaran mo ba ako?” sabi ko sa kanya. Natawa si
Nanding sa sinabi ko sabay inakbayan ako at pabulong na sinabing,
“Madali lang makakuha ng babae kung pera-pera ang usapan pero ayoko ng
ganun.” Hindi na ako kumibo sa aking narinig.
Nang maghiwalay
kami ng araw na iyon ay alam ko na sa aking sarili na nakalubog na ang
isang paa ko sa kumunoy ng pagkakasala. At unti-unti akong lumulubog
habang tumatagal na nagkikita kami ni Nanding. Ang mga bagay na hindi ko
naisip na gagawin ko pala balang araw ay nagsimula ko nang gawin sa
kanya. Tinukso ako at nagpatukso naman ako hanggang sa tuluyang lumubog
ang aking pagkatao.
Magmula noon ay ginampanan ko na ang ibig
mangyari ni Nanding. Ngunit hindi kabit ang turing niya sa akin.
Alagang-alaga niya ako. Hindi man ako humihingi sa kanya ay kusa niya
akong binibigyan bago kami maghiwalay kapag nagkikita. Kabilin-bilinan
lang niya sa akin na huwag ko raw ipapahalata sa bahay kapag binibigyan
ako dahil siguradong pagdududahan ako. Sinunod ko naman ang kanyang
bilin dahil alam kong totoo iyon.
Kapalit ng kagandahang-loob ni
Nanding sa akin ay ang aking katawan. Sa simula ay pinandirihan ko kapag
may namamagitan sa amin. Ngunit kalaunan ay nakasanayan ko na rin.
Aaminin ko rin sayo Xerex na dumating ako sa puntong nasiyahan na rin sa
ginagawa namin ni Nanding, siguro dahil na rin sa ipinakita niyang
kabaitan sa akin.
‘Yun lang Xerex, inaabutan ako ni Nanding
ngunit hindi ko mapakinabangan ng husto para sa aking pamilya. Hindi ko
sila puwedeng bigyan dahil imposibleng hindi magtatanong ang asawa ko
kung saan galing ang pera.
Isa lang ang naisip ko para magamit
ang pera. Binabayaran ko pakonti-konti ang mga nahiraman namin. Walang
kaalam-alam sa ginawa ko ang aking asawa. Ang pagkakaalam niya ay
marami-rami na kaming pinagkakautangan ngunit inunti-unti ko nang
binabayaran ang mga ‘yun mula sa perang ibinibigay ni Nanding sa akin.
Guminhawa
kahit paano ang kalooban ko dahil gumaan na ang mga kompromiso namin.
Ngunit kapalit nito ang katawan ko. Minsan binabagabag ako ng konsensya
dahil sa mga ginagawa ko lalo na noong nag-uumpisa pa lang kami ni
Nanding. Wala akong magawa dahil nakalublob na ang buong katawan ko sa
pagkakasala. Iniisip ko na lang na para rin sa kapakanan ito ng aking
pamilya.
Ngunit ewan ko ba kung bakit sa kabila nito ay natutunan
ding tanggapin ng kalooban ko si Nanding. Nawala ang pandidiri ko kapag
nagtatalik kami. Palibhasa napakabait niya sa akin. Ang dating takot ay
napalitan ng kaligayahan kapag kasama ko siya. Ewan ko ba kung bakit
biglang nagbago at lumambot ang damdamin ko sa kanya kahit alam kong
mali na itong ginagawa ko.
Hindi ko nagawang ilihim ito kay
Nanding. Siya man kasi ay nakahalata sa pagbabago ko. Ikinatuwa niya ito
at lalo pa siyang bumait sa akin. Ngunit sa kabila nito ay ginampanan
ko pa rin ng maayos ang tungkulin bilang asawa’t ina ng aking pamilya.
Isang
bagay lang ang napansin ko. Mula nang magbago ang damdamin ko kay
Nanding ay parang nag-iba naman ito sa aking asawa. Mas gusto ko pang
kasiping si Nanding kaysa sa mister ko. Tingin ko mas nasasarapan ako
tuwing patago kaming nagkikita ni Nanding kaysa palagian na lang katabi
ko sa pagtulog ang lalaking pinakasalan ko.
Simula rin kasi noong
nagkaroon kami ng mga problema sa bahay ay nawalan din kami ng panahon
ng aking asawa para sa isa’t isa. Nasubsob ang kanyang isip sa
pagtatrabaho dahil sa hirap ng buhay namin. Ako naman ay natuon sa
paggawa ng paraan upang makatulong sa kanya lalo na kapag nagigipit
kami. Mag-asawa nga kami ngunit wala nang namamagitang pisikal sa amin.
Iba
si Nanding dahil agresibo siya sa kama. At nang matutunan ko nang
tanggapin ang relasyon namin ay lalo pa siyang naging mainit sa
pagtatalik namin. Nadadala ako sa kanyang kapusukan. Sabi pa nga ni
Nanding sa akin, masarap daw pala ang ganito. Umayon ako sa kanyang
sinabi dahil nasasarapan na rin talaga ako sa piling niya.
Minsan
sa pag-uusap namin, binanggit sa akin ni Nanding na ano raw kaya kung
maghanap na lang kami ng kahit maliit na kuwartong matutuluyan kapag
nagkikita kami. Nagulat ako sa narinig sa kanya. Unang sagot ko agad ay,
“Sobra na yata ang gagawin natin.”
Matagal-tagal na rin pala
niyang pinag-iisipan iyon. Kaysa lagi na lang daw kaming pumapasok ng
motel, mas mabuti pa kung maghanap ng kuwarto na kahit anong oras ay
puwede naming puntahan. Dalawang-isip ako sa kanyang sinabi. “Parang
ibabahay mo na ako n`yan,”sabi ko.
Ngumiti si Nanding sabay
sabing kung gusto ko ay magsama na lang kami. Hiwalayan ko na raw ang
aking asawa at ihahanap niya ako ng matutuluyan. Nang tanungin ko kung
ganoon din ang gagawin niya ay umiling si Nanding. Ako lang daw at doon
na lang niya ako pupuntahan sa tutuluyan ko.
“Seryoso ka ba sa
sinasabi mo?” tanong ko kay Nanding. Tumango siya sabay sabing
matagal-tagal na rin daw niyang pinag-iisipan ang bagay na iyon. Ngayong
napag-usapan na rin lang daw namin ay mabuti pang ituluy-tuloy na namin
tutal matagal na rin ang itinatago naming relasyon.
Hindi ako
nakahanda sa iminungkahi niya sa akin. Maraming bagay ang pumasok agad
sa isip ko. Niloko ko na ang aking asawa iiwanan ko pa ngayon ang
pamilya ko. Hindi ko masagot agad ang gustong mangyari ni Nanding sa
aming dalawa.
Siya naman ay kinumbinsi ako ng kinumbinsi.
Kagagahan, ewan ko ngunit napapayag ako matapos ang ilang ulit pa naming
pagkikita at pangungumbinsi niya sa akin. Plinano niya muna ang lahat
bago ako tuluyang tumalikod sa aking pamilya.
Naghanap ng
matutuluyan kong kuwarto si Nanding. Nang makatagpo ay isinama ako para
makita ko raw muna ang lugar at kung gusto ko ay kukunin na niya.
Sinadya ni Nanding na malayu-layo sa lugar namin ang hinanap niyang
kuwarto. Walang nakakakilala sa amin sa lugar na iyon. Pabor daw iyon
para sa aming dalawa para akalain na bago pa lang kaming nagsasama
bilang mag-asawa.
Pinag-aralan din namin ang araw ng pag-alis ko
na siyempre itinaon kong walang tao sa bahay. Isang sulat ang inihanda
ko para sa aking asawa’t mga anak ilang araw bago ang pinag-usapan namin
ni Nanding na araw ng pag-alis ko. Hindi rin ako naghanda ng damit para
hindi makahalata ang asawa ko. Saka lang ako nag-apura na ipunin ang
mga damit ko at ilang personal na gamit ng araw na mismo ng pag-alis ko.
Sa
sulat ay hindi ko nagawang ipagtapat sa aking asawa ang totoong dahilan
ng pag-alis ko. Hindi ko sinabi na kapitbahay lang namin ang lalaking
sinamahan ko dahil siguradong malaking gulo at eskandalo ang mangyayari.
Ang totoo ay hindi ko binanggit sa sulat na may sasamahan akong ibang
lalaki. Ang sinabi ko na lang ay magbabaka-sakaling makatagpo ng
maganda-gandang kapalaran at saka ko sila babalikan.
Ngunit bago
ko inabandona ang aking pamilya ay may nabuo nang plano sa isip ko.
Sakaling hindi maging maganda ang pagsasama namin ni Nanding ay
babalikan ko ang aking pamilya. Siguro naman ay tatanggapin pa rin ako
ng aking asawa’t mga anak kapag idinahilan ko sa kanila na nabigo akong
makatagpo ng magandang kapalaran sa ibang lugar.
Sakaling maging
maganda naman ang pagsasama namin ni Nanding ay hinding-hindi ko na sila
babalikan. Inisip ko na magpadala na lang minsan ng pera buhat sa
maiipon ko galing sa ibinibigay sa akin ni Nanding. Sa ganitong paraan
man lang ay makatulong ako at mabawasan ang aking kasalanan sa kanila
bagama’t alam kong walang kapatawaran itong ginawa ko kung malalaman
lamang ng aking asawa ang buong katotohanan kung bakit iniwan ko sila.
Parang
nagsisimula uli ako sa piling ni Nanding. Usapan namin na hindi
magkakaroon ng anak dahil baka maging kumplikado na ang sitwasyon kapag
nabuntis ako at nagsilang. Pumayag ako sa ganung usapan dahil naranasan
ko na ang magkaroon ng pamilya at hindi ko makayang buhayin. Sinabi ko
kay Nanding na ayoko nang maulit pa iyon.
Kinukuwento na lang ni
Nanding sa akin ang kanyang mga nababalitaan sa bahay namin. Naglasing
ang asawa ko at nagwala. Usap-usapan daw sa lugar namin ang bigla kong
pagkawala. Kahit hindi ko sinabi ang totoo sa iniwan kong sulat, duda
raw ang asawa ko na may sinamahan akong iba.
“Bumalik ka man
siguro baka hindi ka na tanggapin sa inyo,” ayon kay Nanding. Wala na
akong magagawa pa. Nandoon na. Nagpasya na ako at hindi ko na
tinalikuran pa ang napag-usapan namin ni Nanding. Ikinatakot ko lang
noon na baka malaman ng kanyang asawa ang totoo na siya ang dahilan ng
paglayo ko sa aking pamilya. Ngunit pinawi ni Nanding ang pangamba ko sa
pagsasabing pakaiingatan daw namin ang aming pagsasama.
Nagsama
nga kami bilang mag-asawa ngunit panay pagtatalik lang ang nangyayari.
Pinupuntahan ako ni Nanding kapag nakakagawa siya ng dahilan para hindi
umuwi sa kanila sa loob ng ilang araw. May mga pagkakataon na sandali
lang siya at umuuwi rin agad.
Kapag nasa akin si Nanding ay
walang ibang nangyayari kundi tikiman lang ng tikiman. Walang
kasawa-sawa si Nanding. Tuwing nasa akin siya ay panay sex lang ang
ginagawa namin. Napansin ko pa nga na parang mas lalo siyang naging
mapangahas sa mga pagtatalik.
Ang mga hindi niya ginagawa sa akin
noong nagmo-motel pa kami ay nagagawa na niya nang mangupahan na kami
ng kuwarto. Naging mas agresibo si Nanding na parang laging sabik na
sabik sa akin. May araw nga na kararating pa lang niya sa akin ay
nagyayaya na agad na mag-sex kami.
Ngunit hindi nagbago ang
kanyang ugali na mabait pa rin sa akin. Ako naman ay wala nang ginagawa
kundi alagaan ang aking sarili. Wala naman kasi akong ibang
pinagkakaabalahan. Kaya hayun, kabit talaga ang naging papel ko sa buhay
niya. Napansin din ni Nanding ang pagbabago sa akin dahil bumabalik na
raw ang dati kong itsura mula nang makalayo sa problema ng aking
pamilya.
Ganun daw ang gusto niyang mangyari na alagaan kong
mabuti ang aking sarili. Nagsawa na raw kasi siya sa kanyang asawa na
magmula nang magkaroon sila ng mga anak ay hindi na marunong alagaan ang
sarili, palibhasa abala sa kanilang bahay.
Ang totoo, kaya ko
ginagawa ito ay dahil natatakot ako na balang araw ay magbago rin ang
isip ni Nanding at hiwalayan ako. Iniisip ko na sakaling mangyari iyon
ay wala na akong mababalikan pang pamilya. Kaya bukod sa pagpapaganda
para hindi niya iwanan ay lihim din akong nag-iipon sa bawat ibinibigay
niya. Hindi niya alam ito at ayoko ring banggitin sa kanya.
Naging
open na rin ako pagdating sa sex dahil kay Nanding. Marami akong
natutunan sa kanya. Ang mga bagay na dati’y hindi ko ginagawa sa aking
asawa ay natutunan kong gawin sa kanya. Parang nag-eeksperimento kami
kapag nagtatalik. Marami siyang sinusubukang ipatikim sa akin.
Sa
umpisa ay parang nahihiya pa ako sa kanya. Nakakapanibago dahil noon
kapag nagtatalik kami ng asawa ko ay iyong mga pangkaraniwang ginagawa
lang ng mag-asawa ang naranasan ko sa kanya tulad ng romansahan muna at
kapag matigas na matigas na si ‘Pedro’ ay ipapasok na niya ito sa akin.
Saka aarangkada nang todo-todo, sagad-sagaran hanggang sa labasan.
Ibang
klase si Nanding dahil sinabi niya pa mismo sa akin na dapat pareho
kaming masiyahan. Kapag pinuputukan siya, kailangang masarapan din ako
at makaraos. Kung anu-ano pa muna ang mga ginagawa niya sa akin.
Sari-saring posisyon sa bawat pagtatalik. Nagpipigil muna si Nanding
para makahabol din ako sa kanya. Madalas nga na nilalabasan din ako sa
kakaibang pakikipagtalik sa akin ni Nanding na hindi ko natikman noon sa
piling ng aking asawa.
Kung sa posisyon lamang sa sex ay
maraming klase na ang natikman ko kay Nanding. Patayo, pahiga, paupo,
patalikod ay ginawa na niya sa akin. Parang nag-eeksperimento nga kami
sa dami ng sinusubukang paraan upang parehong masarapan. Matagal siyang
pumutok dahil ayon sa kanya ay ginagamitan niya ako ng muscle control
para labasan din ako.
Ngunit ang paborito ko sa lahat ay ang
patalikod na pagtira niya sa akin. Natikman ko na rin ang iba’t ibang
pamamaraan ni Nanding kapag tinitira niya ako nang nakatalikod sa kanya.
Mayroong nakatayo kami at parang aso ako na kinukubabawan niya sa
likuran. Tinira na rin niya ako nang patalikod habang nakapatong ang
aking mga tuhod sa gilid ng kama at siya ay nakatayo sa lapag. Mayroon
pa na nakakapit ako sa dingding habang kinakadyot niya sa ganoong
posisyon.
Ang hindi ko lang nagustuhan ay nang subukan niyang
ipasok si ‘Pedro’ sa puwet ko. Masakit, napakasakit palibhasa may
kalakihan ang ari ni Nanding. Umaray ako at napasigaw sa sakit noong
unang sinubukan niyang gawin iyon sa akin.
Hindi ako pumayag at hindi rin naman niya ipinagpilitan pa na ituloy namin nang malaman na nasasaktan ako sa halip na masarapan.
Maliban
sa patalikod ay paborito ko rin iyong nagkakainan kami. Paiba-iba kami
minsan ng posisyon kapag ito ang gusto naming gawin. Minsan ako ang nasa
ibabaw, minsan ako ang nasa ilalim. Kinakain niya ako roon at sinusubo
ko naman ang kanya. Sa madaling salita ay sabay kaming abala sa
pagpapaligaya sa bawat isa kapag ganito ang posisyon na nakursunadahan
namin. Kanya-kanya kami ng subo, siya sa ari ko at ako naman sa ari
niya.
Masarap kumain si Nanding dahil hinahanap talaga niya ang
mani ko, ang pinakasentro ng pagkababae ko sa pamamagitan ng kanyang
dila. Kapag nasalat na niya iyon ay pinaglalaro na ang kanyang dila
tapos biglang hihigupin ito. Napapatirik ang mga mata ko kapag ginagawa
niya ito sa akin. Natitigilan ako sa pagsubo sa kanya dahil ramdam na
ramdam ko ang kakaibang sarap at sensasyon na parang kuryenteng
dumadaloy sa aking mga kalamnan.
Kung ganito ang posisyon ng
pagtatalik namin, ipinagdidiinan ko talaga sa kanya ang aking pagkababae
kapag hinihigop na niya ang mani ko. Nakakapanginig ng hita ang
ginagawa sa akin ni Nanding. Minsan nakakalimutan ko nang nakasubo sa
bibig ko ang kanya ngunit wala naman akong ginagawa kundi subu-subo ko
lang iyon dahil tirik na ang mga mata ko habang hinihigop niya ako roon.
Kapag
nalaman ni Nanding na nilabasan na ako, pakikilusin naman niya ako.
Hihiga iyan at pababayaan na laruin ko sa bibig ang kanyang ari.
Kapag
malapit nang labasan ay sasabihin sa akin para iluwa ko sabay
sasalsalin ko para makalabas lahat. Sumasabog sa kanyang puson at minsan
nga sa lakas ng putok ay kumakalat sa sapin ng kama namin ang malagkit
at mainit-init na likidong galing sa kanya.
Noong una naming
ginawa ito ay parang asiwa akong gawin. Kailan man ay hindi ko pa kasi
ito ginawa sa asawa ko. Hindi namin ginawa ang magkainan. Nandidiri pa
nga ako noong una ngunit nakasanayan ko na rin dahil masarap pala.
Pinalilinis ko muna sa kanya ang ‘Pedro’ ni Nanding kapag kursunada
niyang gawin namin ang ganitong posisyon. Ganun din ang ginagawa ko sa
aking ari na hinuhugasan ko munang mabuti para maalis ang panghi. Kaya
mabangu-bango pa dahil sinasabon ko ito bago ipakain sa kanya.
Hindi
rin mapigilan minsan ni Nanding ang kanyang sarili na mapahiyaw kapag
sarap na sarap sa pakikipagtalik ko sa kanya. Sinesenyasan ko nga minsan
na huwag maingay dahil nakakahiya kapag may nakarinig sa amin. Kaya
paimpit na halinghing na lang ang maririnig sa pagitan naming dalawa
kapag nagtatalik.
Ngunit madalas na ako ang panay halinghing.
Lalo na kapag nasa mood akong makipagtalik sa kanya. May mga araw kasi
na mas gusto ko pa na magkatabi lang kami ngunit walang sex. Sabi ko sa
kanya, hindi namin dapat araw-arawin dahil baka magkasawaan kami. Hindi
nga araw-araw dahil minsan lang siyang nakakapunta sa akin, ang kaso
kapag nagkita kami siguradong maghapon at kapag doon pa siya natulog ay
magdamagan halos na wala siyang kasawaan.
Kapag matagalan kami ay
tumatamlay rin ang ari ni Nanding. Sakaling ganito na ang nangyayari ay
nagkakasya na lang kami sa romansahan. Ngunit para tigasan uli siya ay
dinidila-dilaan ko ang ulo at kapag tumigas ay mabilis niyang ipinapasok
sa akin.
Ganun ang naging takbo ng buhay ko sa pagsasama namin
ni Nanding. Mas lamang ang sekswal kaysa pagsasamang emosyunal ang
namamagitan sa amin. Likas pala talaga na mahilig si Nanding.
Napatunayan ko ito mula nang magsama na kami.
Unti-unti kong
nakilala ang kanyang pagkatao. At unang-una sa naobserbahan ko nga sa
kanya ay ang pagkahilig niya sa sex. Laging may nangyayari sa amin lalo
na kapag sa loob ng isang linggo ay hindi siya nakakapunta sa akin.
‘Pagdating niyan sa akin, siguradong magpapakasawa na naman kami sa
pagtitikiman.
Ipinagtapat din sa akin ni Nanding kapag nag-uusap
kami pagkatapos magtalik na may naobserbahan din daw siya sa kanyang
sarili. Simula raw nang magsama na kami ay parang nawalan na siya ng
ganang makipagtalik sa kanyang asawa. Mas gusto pa raw niya sa akin at
iyon ang hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit biglang
nanamlay ang kalibugan niya pagdating sa kanyang asawa.
Sinagot
ko siya tungkol sa bagay na ito na baka lang kako talagang nagsawa na
siya sa kanyang misis. Sabi ko, ganun talaga siguro ang lalaki na hindi
mapalagay sa isang ka-partner lang. Mabilis magsawa sa iisang ka-partner
lang at naghahanap ng ibang putahe tulad ng kanyang ginawa sa akin.
Dito
ko sinabi sa kanya na baka naman kako ‘pag nagsawa na rin siya sa akin
ay bigla akong iiwanan at maghahanap ng iba na namang putahe. Sinagot
ako ni Nanding na hindi mangyayari iyon kaya wala akong dapat na
ikatakot.
Hindi ko sineryoso ang kanyang sinabi sa akin. Ngunit
hindi ko rin siya sinagot sa kanyang sinabi. Sa isip-isip ko, malalaman
ko rin ang totoo balang araw bagama’t sa loob-loob ko ay huwag sanang
dumating ang araw na iyon. Kung sa bagay, napag-isipan ko na rin ang mga
bagay na ito at kahit papaano ay may paghahanda na rin akong ginawa
sakaling magkahiwalay rin kami.
Nakalalamang ang sekswal sa
relasyon namin ngunit hindi naman ako nagrereklamo dahil mabait siya sa
akin. Hindi nagbago ang ipinakikita niyang ugali sa akin buhat noong
hindi pa kami nagsasama hanggang sa ibinahay na niya ako. Unti-unti ko
ring nakikilala ang kanyang pagkatao na likas pala talagang mabait kaya
kahit paano ay suwerte pa rin ako sa pinatulan kong lalaki.
Ngunit
hindi nga siguro tumatagal ang mga relasyon na katulad sa amin ni
Nanding. Lalo pa’t wala talaga silang mabigat na problema ng kanyang
asawa bago niya ako kinabit. Ang kay Nanding ay kapritso lang ng
katawan. Dapat ngang sabihin ay tawag lamang ng laman. Gustong makatikim
ng ibang putahe dahil nagsasawa na sa araw-araw na ‘luto’ ng kanyang
asawa.
Nagsimula kong mapansin sa kanya na bibihira na lamang
akong puntahan noong mahigit isang taon na ang aming relasyon. Subalit
hindi naman siya nagkukulang ng sustento at mabait pa rin ang
pakikitungo sa akin. Iyon nga lang, napuna ko na nagiging madalang na
kung siputin niya ako sa inuupahan kong kuwarto kaya hindi ko maiwasang
mag-isip kung ano ang nangyayari sa kanya.
Binanggit ko itong
naobserbahan ko sa kanya nang minsan ay dumating siya na nakainom. Akala
ko nga magyayaya sa akin na mag-sex kami gaya ng dati niyang ginagawa
kapag dumating na nakainom ngunit kabaligtaran sa inaasahan ko ang
nangyari. Humiga lang sa kama at gusto raw niyang magpahinga.
Sinamantala
ko ang pagkakataon na kausapin siya at dito ko sinabi ang napapansin
ko. Ang sagot sa akin ni Nanding ay medyo abala lang daw siya sa negosyo
nila. Iniiwasan din daw niya na baka makahalata na ang kanyang asawa
dahil minsan ay nagtatanong na sa kanya.
Inusisa ko kung ano ang
tinatanong ng asawa niya. Kung saan daw siya naglalagi kapag ginagabi o
hindi umuuwi sa kanilang bahay sa loob ng isa hanggang dalawang araw.
Nagagawan pa rin daw niya ng paraan ngunit ayaw niyang umabot sa puntong
baka mag-usisa na ang kanyang asawa at alamin kung ano talaga ang
totoong nangyayari sa kanya.
Wala sa isip na nasabi ko kay
Nanding na hindi problema sa akin sakaling gusto na niyang tapusin ang
relasyon namin. Tiningnan ako sa mata ni Nanding, tingin na parang
sinusukat ang aking sinabi. Hindi ako umimik ngunit bandang huli ay
pinaliwanag ko na okey lang kako sa akin kung balak na niya akong
layuan.
Katwiran ko ay alam ko naman na balang araw ay puwedeng
mangyari ito sa amin at pinaghandaan ko na ang pagdating ng araw na
iyon. Umiling si Nanding saka nagsalita. Hindi raw mangyayari ang
pinangangambahan ko dahil maingat siya sa relasyon namin.
Pagkatapos
ay lumipat siya ng puwesto sa pagkakahiga. Tumalikod sa akin at
napansin ko na lang na nakatulog na pala. Bitin ang pag-uusap namin.
Wala akong nagawa kundi tumabi na rin sa kanya. Nakatulugan ko ang
malalim na pag-iisip sa katatapos lang naming pag-uusap.
Hindi na
nagising pa si Nanding sa buong magdamag. Tinulugan lang niya ako.
Kinabukasan ay nagtaka ako kung bakit ang aga niyang nagising. Kailangan
daw niyang umalis dahil may kausap siya sa negosyo nila. Hindi naman
niya dating ginagawa ito na maaga pa ay umaalis na sa akin.
Hahaba
pa ang kuwento kung iisa-isahin ko ang pangyayari nang mga sumunod na
araw. Masalimuot at napakabigat sa dibdib ko. Pinanghinaan ako ng loob
nang malaman ko ang tunay na dahilan kung bakit parang nanlalamig na sa
akin si Nanding.
Woman’s instinct siguro dahil natunugan ko ang
dahilan ng biglang pananamlay ng dati’y masiglang pakikitungo niya sa
akin. May ibang babae na naman si Nanding. Nagsawa na rin siguro siya sa
akin kaya naghanap uli ng ibang kandungan. Naniniwala akong ganito nga
ang nangyari sa kanya dahil ito rin ang dahilan kung bakit naging
mapilit siya na makuha ako hanggang sa maibahay.
Kabit na nga
ako, naghanap pa ng ibang kabit si Nanding. Bale tatlong babae na kami
sa buhay niya. Una ang original niyang asawa, ako at itong bagong dating
na kasosyo ko ngayon sa atensyon niya. Masuwerte talaga kapag bago
dahil buhos ang atensyon ng lalaki sa iyo. Katulad noong bago-bago lang
ang relasyon namin ay alagang-alaga ako ni Nanding. Panay-panay rin ang
sex namin noon na bandang huli ay bigla siyang tumamlay.
Kaya
pala nananamlay na sa akin eh, dahil may bago siyang kinagigiliwang
uwian at sipingan. Ang bigat sa loob ko na malamang may kinalolokohan na
naman siyang iba. Ngunit hindi na ako nagalit pa. Hindi ko rin siya
sinumbatan tungkol dito.
Kinausap ko na lang si Nanding na kung
ayaw na niya sa akin ay diretsuhin na ako para tapos na ang relasyon
namin. Ayaw pa raw niyang tapusin ang pagsasama namin. “Ano’ng gusto mo,
tatlo-tatlo kami na kung kailan mo gustong uwian ay doon mo lang
sisiputin?” sabi ko sa kanya.
Sukat doon sa sinabi ko ay biglang
nagalit si Nanding. Hindi naman daw siya nagkukulang sa akin kahit
nagloloko siya. Ganun pa rin daw ang binibigay niya sa akin kahit may
bago na siyang kinalolokohan. Totoo iyon ngunit hindi ko gusto ang
ganitong klaseng arrangement. Salu-salo na kami at unang kinatakot ko ay
baka magkasakit ako o sinuman sa amin sa kagagamit ni Nanding.
Nagpasya
akong umalis na lang. Pinakiusapan ko siyang huwag na akong pigilan
para matahimik na rin ang buhay ko. Tinanong niya ako kung saan pupunta.
Wala kako dahil wala na rin akong uuwiang pamilya buhat nang sumama ako
sa kanya.
Hindi na ako pinigilan ni Nanding. Binigyan pa niya
ako ng konting halaga. Pero sakaling magbago raw ang isip ko ay kontakin
ko lang siya. Hindi ko na ginawa ito. Tuluy-tuloy na ang pag-alis ko.
Naisip ko rin na tama na ang kalokohan ko. Marami na akong kasalanan
unang-una sa aking pamilya na inabandona ko.
Sa ngayon ay isang
madilim na nakaraan na lamang ang turing ko sa naging takbo ng buhay ko
noon. Inuusig ako minsan ng aking konsensya ngunit ipinagdarasal ko na
lamang na sana’y patawarin ako sa mga ginawa ko.
Pagpasensiyahan mo sana Xerex ang napakahaba kong sulat. Sana ay mailathala ninyo ito at kapulutan sana ng aral ng ibang babae.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento